Pusang may kapansanan, naging internet sensation

by Radyo La Verdad | April 18, 2016 (Monday) | 706

ROUX
Instant internet sensation ngayon ang pusang may kapansanan na si Roux.

Naaaliw at nagbibigay ng inspirasyon at kasiyahan si Roux sa mga nakakapunood sa kanya dahil sa kabila ng kanyang congenital deformity, tuloy-tuloy pa rin siya sa paglalaro gaya ng ibang pusa.

Isa sa mga bansag sa kanya ay bunny cat, dahil sa pagtalon nito gaya ng kuneho.

Inampon si Roux ng isang vet clinic worker matapos itong ipamigay ng may-ari dahil sa kapansanan nito.

Sa ngayon umaabot na sa daan-daang libo ang views ng kanyang video sa Youtube.

(UNTV NEWS)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0