Radio reporter na nasaktan sa aksidente sa Maynila, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | May 16, 2018 (Wednesday) | 2728

Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang aksidente sa U.N. Avenue, corner Mabini Street sa Maynila pasado alas tres kaninang madaling araw.

Nabangga ng isang kotse ang isang SUV. Sakay ng SUV ang radio reporter na si Don King Zarate. Iniinda ni Zarate ang pamamaga at sugat sa kanang tuhod.

Agad nilapatan ng pangunang ng UNTV Rescue ang mga pinsala sa katawan ni Zarate subalit tumanggi na itong magpadala sa ospital.

Ayon sa driver ng SUV na si Fred Esponilla, galing sila ng U.N. Avenue ng bigla silang mabangga ng kotse.

Inimbitahan naman sa Manila Traffic Bureau ang driver ng kotse kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon.

Kapansin-pansin naman na hindi gumagana ang traffic sign sa lugar kayat nagkalituhan ang mga driver.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,