Reaksyon ng mamamayan sa SONA ng Pangulong Duterte, naging positibo

by Radyo La Verdad | July 26, 2016 (Tuesday) | 3979

PEOPLE
Pinakahihintay ng sambayanang Pilipino ang kauna-unahang State of the Nation Address ng ika- 16 na Pangulo ng Pilipinas Pres. Rodrigo “Roa” Duterte.

Habang nanonood ang ating mga kababayan ay di mapigilang matawa at matuwa sa bawa’t biro at salitang binibitawan ng Pangulo na nakalaan para sa buong bayan.

Naniniwala ang ating mga kababayan na matutupad ng Pangulo ang mga inilatag sa kaniyang SONA.

Maging sa iba’t ibang dako ng bansa ay tinututukan at inilaan ng ating mga kababayan ang kanilang oras upang pakinggan ang mga gagawin pang pagbabago sa bansa.

Kita rin sa reaksyon ng mga Dabawenyo ang kagalakan ng makita ang dating alkalde ng lungsod na magpahayag ng kaniyang talumpati bilang isa nang Pangulo.

Sa mga katagang “Change is Coming” noong siya ay nanunuyo pa lang sa boto ng taong bayan, na bago ito ng “Change has Come” noong araw na siya ay nailuklok bilang Pangulo.

Ngayong narinig na ng sambayanan ang kaniyang mga plano para sa bayan, umaasa ang mga Pilipino na maisakatuparan ang mga pagbabago tungkol sa pag-unlad sa loob ng anim na taong panunungkulan ng Pangulong Rodrigo “Roa” Duterte sa Pilipinas.

(Aiko Miguel/UNTV Radio)

Tags: ,

Leave a Reply

One Response