Record breaking na heat wave, nararanasan sa India

by Radyo La Verdad | May 26, 2016 (Thursday) | 1696
India(REUTERS)

India(REUTERS)

Nakapagtala ng bagong record ng temperatura ang India noong isang linggo bunga ng heat wave sa bansa.

Sa siyudad ng Valsad, Gujarat at ilang aspaltadong kalsada na ang natutunaw dahil sa sobrang init na umaabot hanggang 36 degrees celsius.

Ilang tumatawid na residente rin ang dumikit ang mga tsinelas at sapatos sa kalsada.

Naitala ang pinakamataas na temperatura sa siyudad ng Phalodi na umabot sa 51 degrees celius ang init.

Labing tatlong estado na ang nakakaranas ng matinding tagtuyot.

Ayon sa Indian weather officials, makakaranas ng heat waves ang bansa hanggang sa susunod na buwan.

Tags: ,