Regular at special non-working days sa taong 2019, inilabas na ng Malacañang

by Radyo La Verdad | August 17, 2018 (Friday) | 3100

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation Number 555 upang ianunsyo ang regular at special non-working days sa taong 2019.

Maaari nang magplano para sa bakasyon sa susunod na taon dahil 10 ang regular holidays samantalang siyam naman ang special non-working days.

Samantala, sa susunod na linggo ay pinapaalalahan din ang publiko dahil idineklarang regular holiday ang ika-21 ng Agosto  dahil sa Ninoy Aquino Day at Muslim Feast of Sacrifice.

Tags: , ,