Rekomendasyon ng Defense Department kaugnay sa martial law sa Mindanao, naisumite na sa Office of the President

by Radyo La Verdad | July 17, 2017 (Monday) | 566


Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na naisumite na nila sa Office of the President ang kanilang rekomendasyon kaugnay ng batas militar sa Mindanao.

Nakasaad dito ang kanilang posisyon kung palalawigin ba ang 60-day period ng martial law na magtatapos sa July 22.

Ngunit hindi na nagbigay ng ano pamang detalye ang kalihim ukol dito.

Aniya, hintayin na lamang ang ilalabas na desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi pa ni Lorenzana na buo ang kanyang tiwala sa magiging desisyon ng pangulo kahit sundin man nito ang kanilang rekomendasyon o hindi.

Tags: , ,

Leave a Reply