Relief goods para sa mga nasalanta ng bagyong Nona sa lalawigan ng Samar, ipinadala na ng DSWD

by Radyo La Verdad | December 15, 2015 (Tuesday) | 2765

RELIEF-GOODS
Nagpa-abot na ng relief goods ang Department of Social Welfare and Development Region 8 sa mga apektadong lugar ng bagyong Nona sa tatlong lalawigan ng Samar.

Ayon sa DSWD, naideliver na ngayon lunes ng umaga ang dalawang libong sakong bigas bilang augmentation sa mga lokal na pamahalaan ng Northern Samar at Eastern Samar at iba pang lalawigan sa probinsiya.

Ayon kay DSWD Regional Director Nestor Ramos, ang unang bahagi ng tulong ay bigas bilang pang-ayuda sa mga naunang stock ng mga LGU sa Samar.

Kung kakailanganin pa ang karagdagang tulong ay magpapadala pa ang DSWD ng family food packs.

Sa ngayon on-going ang repacking ng relief goods na isinasagawa sa ware house sa Tacloban City.

Upang maging mabilis repacking ay nag-hire ang DSWD ng 32 trabahador.

Sa ngayon, inaantabayana pa ng DSWD ang ulat sa iba pang nangangailangan ng tulong sa iba pang lugar sa Samar.

Batay sa partial list na natanggap ng DSWD mahigit sa animnaraang pamilya ang nasa mga evacuation center sa Eastern at Northern Samar.

Mahigit isang daan sa Northern Samar habang mahigit sa limang daan naman ang nasa Eastern Samar. (Jenelyn Gaquit/UNTV News)

Tags: , ,