Replika ng Noah’s ark sa Kentucky, USA, bubuksan na sa publiko

by Radyo La Verdad | July 8, 2016 (Friday) | 1284
Replika ng Noah’s ark sa Kentucky, USA(REUTERS)

Replika ng Noah’s ark sa Kentucky, USA(REUTERS)

Itinayo ng isang grupo sa Williamstown, Kentucky, USA ang Noah’s ark-themed attraction na tinatawag na ark encounter.

Matatagpuan dito ang isang bangka na ang sukat ay hinango sa biblia; 510 feet ang haba, 85 feet ang lapad, at 51 feet naman ang taas.

Itinayo ng grupo ang atraksyon base sa nakasaad sa bibliya at upang pabulaanan ang Scientific Theory of Evolution.

Inaasahang mahigit isang milyong tao ang dadagsa dito ngayon taon.

Umaabot ng 28 hanggang 40 US dollars o katumbas ng halos 900 hanggang 1,800 pesos ang halaga ng isang ticket sa ark encounter.

Tags: , ,