Resigned PNP Chief Alan purisima, tumangging ibigay ang kanyang call at text log noong Mamasapano operation

by dennis | April 8, 2015 (Wednesday) | 885

house-hearing-on-Mamasapano

Ayaw ibigay ni resigned PNP chief Alan Purisima na ibigay sa mga kongresista ang kanyang mga call at text log sa kasagsagan ng Mamasapano operation.

Sa isinasagawang joint hearing sa Kamara, hiniling ni Alliance of Concerned Teachers Rep. Antonio Tinio si Purisima kung maibibigay nito ang call at text logs noong ENero 25 hanggang 26 para maging basehan sa ginagawang imbestigasyon.

Pero tumanggi si Purisima. Aniya, maaring magamit sa masama ang impormasyong makukuha sa kanyang cellphone.

Matatandaang tumanggi rin si Purisima na ibigay ang kanyang call at text log sa Senado maging sa Board of Inquiry sa kasagsagan ng kanilan imbestigasyon sa Mamasapano incident.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , , ,