Resulta ng 2014 Bar Exam, ilalabas bukas

by monaliza | March 25, 2015 (Wednesday) | 451

thedore-te

Ilalabas na ng Korte Suprema bukas, March 26, ang resulta ng 2014 Bar Examinations.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Theodore Te, iaanunsyo ito pagkatapos ng isasagawang special session ng En Banc pasado alas-9 ng umaga.

Umabot sa 6,344 law graduates ang pinayagang kumuha ng pagsusulit ngunit nasa 5,987 lamang ang nakatapos nito hanggang sa huling araw ng eksaminasyon noong Oktubre ng nakaraang taon. (Bianca Dava, UNTV Correspondent)

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0