Resulta ng 2016 bar exams, ilalabas sa May 3

by Radyo La Verdad | April 26, 2017 (Wednesday) | 859


Ilalabas ng Supreme Court sa darating na May 3 ang resulta ng 2016 Bar Examinations.

Bago ito ay magkakaroon muna ng special en banc session ang Korte Suprema upang talakayin at aprubahan ang resulta ng pagsusulit.

Isinagawa ang 2016 Bar Exams sa UST noong Nobyembre sa pangunguna ng bar chairman na si Associate Justice Presbitero Velasco Junior.

Mahigit anim na libong law graduates ang kumuha ng 2016 Bar Exams.

Tags: ,