Resulta ng BSKE sa buong bansa, ilalagay sa Comelec website sa susunod na Linggo

by Radyo La Verdad | November 3, 2023 (Friday) | 13327

METRO MANILA – Inanunsyo ng Commission on Election (Comelec) na isasapubliko ang resulta ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa susunod na Linggo.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi pa nila nailalabas ang pinal na numero dahil kinokolekta pa ang mga datos mula sa mga field offices sa buong bansa.

Dagdag pa ni Chairman Garcia, inuuna muna ng ahensya ang honoraria ng mga nagsilbing electoral boards.

Inaasahang mai-a-upload ang election results mula sa 42,001 barangays sa darating na Huwebes o Biyernes ng susunod na Linggo.

Tags: ,