Rock band member, mapipilitang umupo sa local council matapos aksidenteng manalo sa isang local election sa Norway

by Radyo La Verdad | September 19, 2016 (Monday) | 539
Gylve Nagell (Photo credit: chartattack.com)

Gylve Nagell (Photo credit: chartattack.com)

Mapipilitang dumalo sa mga council meeting si Gylve Nagell, miyembro ng rock band na Darkthrone, matapos itong aksidenteng manalo sa isang local council election sa Kolbotn (kol-bot), Oppegard, Norway.

Ikinagulat ni Nagell ang pagka-panalo at sinabing pumayag lang siyang tumakbo upang maging backup representative at upang i-boost ang voter turn-out sa lugar.

Aniya, sinabotahe pa niya ang sarili nang magpaskil siya ng poster na may nakalagay na litrato nito hawak ang kanyang pusa at ang panawagang wag siyang iboto.

Lumabas na walang naging epekto ang sabotage campaign ni Nagell at sapat ang boto na nakuha nito upang makaupo siya sa local council.

Ayaw man ni Nagell, hindi siya makakaalis sa pwesto hangga’t wala pang apat na taon sa ilalim ng Norwegian law.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,