Rookie Team COA Enablers, babanggain ang two time champion AFP Cavaliers sa Linggo sa UNTV Cup Season 6

by Radyo La Verdad | October 11, 2017 (Wednesday) | 372

Babanggain ng Rookie Team Commission on Audit Enablers ang two time champion AFP Cavaliers sa unang sagupaan ng triple header ng UNTV Cup Season 6 sa Linggo, alas dos ng hapon sa Pasig City Sports Center.

Ang COA Enablers ay nakatikim ng talo sa una nilang salang noong nakaraang September 17 kontra Department of Heath Achievers.

Ayon sa kanilang headcoach na si basketball legend Freddie Hubalde, matinding pag-eensayo ang kanilang ginagawa upang matapatan ang champion caliber ng AFP.

Pangungunahan ang koponan ng COA ng dalawang ex-pro bigmen na sina Ernesto Ballesteros at Arnold Gamboa na kapwa umiskor ng mahigit sa trenta puntos sa kanilang debut game.

Samantala, ang AFP Cavaliers ay pursigidong mailista ang kanilang ikalawang sunod na panalo. Lalo na at mas lalong bumilis ang kanilang opensa dahil sa pagkaragdag ng dalawang sundalo mula sa Airforce na sina Romeo Almerol at Julius Lumongsod.

Dagdag pa ng AFP, mas inspirado aniya ang kanilang koponan ngayong season. Sakaling manalo ang AFP, aagapay sila sa defending champion PNP Responders na may 2- 0 win loss record habang magiging 1-1 panalo-talo naman ang COA kung maitutumba nila ang Cavaliers.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,

Leave a Reply