Rory Mcllroy, nakuha ang Irish open title

by Radyo La Verdad | May 23, 2016 (Monday) | 770

Rory-Mcilroy
Pumalo si Rory Mcllroy ng 69 sa final round upang mapagwagihan ang Irish open sa unang pagkakataon.

Sa final round napalaban ng husto si Mcllroy kay Russel Knox sa K club na nasa labas ng Dublin.

Tinapos ni Mcllroy, world number three mula sa Northern Ireland ang torneo na abante ng tatlong stroke kay kKnox ng Scotland at Welshman Bradley Dredge.

Na-interrupt ang final round ng Irish open dahil sa malakas na ulan.

(UNTV RADIO)

Tags: ,