Russian athlete, inalisan ng 2011 world title dahil sa doping violation

by Radyo La Verdad | November 30, 2016 (Wednesday) | 790
Russian Heptathlete Tatyana Chernova(REUTERS)

Russian Heptathlete Tatyana Chernova(REUTERS)

Inalisan si Russian Heptathlete Tatyana Chernova ng kanyang 2011 world title dahil sa issue ng droga.

Ibibigay ang gold medal ni Chernova kay Jessica Ennis-Hills ng Great Britain.

Sinabi ng Court Arbitration of Sport o CAS na may mga ebidensiya ng blood doping sa analysis ng biological passport ni Chernova.

Pinawalang bisa ng pinakamataas na tribunal ng sports ang mga napanalunan ni Chernova sa pagitan ng August 15, 2011 at July 22, 2013.

Dahil dito binawi sa Russian athlete ang world title na napagwagihan niya limang taon na ang nakalilipas gayundin ang kanyang bronze medal sa 2012 London olympics.

Tags: , ,