Sandiganbayan, nagpalabas ng hold departure order sa mag-amang Binay

by Radyo La Verdad | July 20, 2016 (Wednesday) | 1436

BINAY
May inilabas ng hold departure order si Justice Amparo Cabotaje–Tang ng Sandiganbayan 3rd Division laban kay dating Vice President Jejomar Binay, anak na si Junjun at sampung iba pa.

Ang hold departure order o HDO na ipinalabas ay kaugnay ng mga kasong kinakaharap ngayon ng mag-amang Binay sa Sandiganbayan partikular na ang paglabag sa section 3E ng anti-graft and corrupt practices act o Republic Act 3019, falsification of public documents at malversation of public funds.

Nilinaw naman ng korte na kahit nasa ilalim ng hold departure order ang isang akusado, maaari pa rin itong makapagbiyahe sa labas ng bansa kung ipahihintulot ng korte.

Sinampahan ng kasoang mga Binay dahil sa umano’y maanomalyang pagpapatayo ng Makati Carpark Building na nagkakahalaga ng 2.2 billion pesos mula 2007 hanggang 2013.

Bukod sa mga Binay, may ilang dating empleyado at opisyales ng Makati City Hall ang nahaharap sa mga katulad na kaso.

Samantala, naniniwala naman ang kampo ng mga Binay na madi-dismiss din ang mga kasong kinakaharap ng mga ito sa anti-graft court.

(Rosalie Coz/UNTV Radio)

Tags: ,

Hold Departure Order laban kay Senador Antonio Trillanes, muling hiniling ng DOJ sa ibang korte

by Radyo La Verdad | December 6, 2018 (Thursday) | 24413

Panibagong motion for issuance of Hold Departure Order (HDO) ang inihain ng Department of Justice (DOJ) sa iba pang korte laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Matatandaang ito’y matapos mabigo ang DOJ na pigilang makaalis ng bansa si Trillanes nang pansamantalang i-lift itong HDO ni Judge Elmo Alameda ng Makati RTC Branch 150 at makabiyahe sa Europa at Estados Unidos ang senador.

Sabi ni DOJ Secretary Menardo Guevarra, bukas ay nakatakdang magkaroon ng pagdinig sa Davao Regional Trial Court hinggil sa kasong libelo laban kay Trillanes.

Hindi tinukoy ni Guevarra kung saang spesipikong korte nila inihain itong panibagong mosyon na HDO, ngunit iginiit nitong wala itong koneksyon sa kasong rebelyon at kudeta ng senador.

Bukod dito, ipinarerepaso rin ng DOJ sa Makati Court ang desisyon nito na payagang makabiyahe si Trillanes.

Wala naman daw bagong argumento ang Justice Department hinggil sa naturang mosyon ngunit iginiit nito na ito ang standard operating procedure (SOP) at hindi nagkataon ang pag-file nito.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Self-Confessed Hitman Arturo Lascañas, walang hold departure order kaya pinayagang umalis – BI

by Radyo La Verdad | April 10, 2017 (Monday) | 4915


Wala umanong dahilan upang pigilang makaalis ng bansa si Retired Police Arturo Lascañas.

Ayon sa Bureau of Immigration, hindi ito naisyuhan ng hold departure order kaya malaya itong makalalabas ng bansa.

Si Lascañas ay umalis ng Pilipinas noong sabado patungong Singapore at inaasahang babalik sa Abril a-bente dos.

Samantala, kinuwestyon naman ni Sen. Panfilo Lacson ang kakayahan nitong makapunta sa naturang bansa.

Batay umano sa nakuha niyang impormasyon, kasama ding umalis ni Lascañas ang kanyang pamilya.

Nais malaman ng senador kung sino ang gumastos sa ticket nito pati na sa accomodation sa Singapore.

(Nel Maribojoc)

Tags: , ,

More News