Scott Brooks, tinanggal na bilang coach ng Oklahoma City Thunder

by dennis | April 22, 2015 (Wednesday) | 2528
File photo: Reuters

File photo: Reuters

Sinibak ng Oklahoma City Thunder ang kanilang coach na si Scott Brooks matapos ang pitong season sa National Basketball Association (NBA).

Hindi naigiya ni Brooks ang Thunder na makapasok sa playoffs ngayong season bunsod ng iba’t ibang injuries na tinamo ng kanyang mga players, pangunahin ang kanilang dating MVP forward na si Kevin Durant.

Pinakamalaking naiambag ni Brooks sa OKC ang pangunguna nito sa koponan na makapasok ng tatlong beses sa Western Conference finals sa loob ng apat na taon at narating nito ang NBA finals sa unang pagkakataon noong 2012.

Pero ngayong season na ito, bigong makapasok sa playoffs ang OKC dahil sa tinamong 45-37 win-loss record.

Si Brooks ay may 62% winning percentage sa OKC at naging 2009-2010 NBA Coach of the Year.

Tags: , , , ,