Scout Ranger trainee PO1 Camarillo, hindi pa rin natatagpuan

by Radyo La Verdad | May 30, 2018 (Wednesday) | 5073

Patuloy ang ginagawang paghahanap ng pinagsanib na pwersa ng Cavite Police, Nasugbu Police at ng Philippine Airforce sa nawawalang si PO1 Ralph Reginald Camarillo.

Ayon kay Cavite Provincial Director PSSupt. Willy Segun, si Camarillo ay sumasa-ilalim sa individual land navigation exercise na bahagi ng Scout Ranger training ng mawala sa Nasugbu, Batangas noong ika-9 ng Mayo.

Simula noon, sinabi ni Segun na hindi na natagpuan si Camarillo. Sa ngayon aniya ay blangko pa rin ang mga pulis sa pagkawala ng bagitong pulis.

Kaya naman ayon kay Segun, tuloy-tuloy ang isinasagawa nilang masusing imbestigasyon hinggil sa insidente.

Isa aniya sa tinitingnan nilang anggulo ay baka nadisgrasya si Camarillo sa training sa lugar.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,