Season 5 runner up Malacañan-PSC Kamao, tinibag ang NHA Builders sa score na 92-90

by Radyo La Verdad | September 18, 2017 (Monday) | 2452

Napapatayo sa upuan at hindi magkandamayaw sa sigawan ang mga manunuod sa tindi ng bakbakan ng season 5 runner up Malacañan-PSC Kamao at NHA Builders sa main game ng triple header ng UNTV Cup Season 5 first round eliminations sa Pasig City Sports Center kahapon sa score na 92-90. Last two minutes ng ball game lamang pa ng pitong puntos ang NHA Builders , 88-81.

Ngunit hindi sumuko ang Malacañan -PSC at unti- unting tinibag ang builders sa pangunguna ni Christian Luanzon at Eric Dela Cuesta. Isang beses na lamang nakapagbuslo ang NHA at napako na sa 90 points sa tindi ng pressure defense na ipinamalas ng Malacañan –PSC. Habang  pumasok naman ang lahat ng anim na freethrow shots ni Luanzon, at ang napakahalang jumpshot at lay up upang selyuhan ang tagumpay ng Kamao Team.

Una rito ay tinambakan pa ng 18 puntos ng NHA ang Malacañan sa third quarter mula sa pag-ahon nila sa second quarter kung saan lamang naman ng siyam na puntos ang Malacañan, 44-35

Tinanghal na best players of the game si Christian Luanzon na 22 points at si Eric Dela Cuesta na may 29 points. Mistulang nasayang naman ang 31 points ni Alvin Vitug at 26 points ni Antonio Lustestica Jr. kabilang ang 8 mula sa three point area.

Wagi rin ang DOH Health Achievers matapos tambakan ang COA Enablers sa score na 122-95.

 

(Bernard Dadis / UNTV Correspondent)

 

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,