Sec. Mar Roxas, inaayos na ang mga maiiwang trabaho sa DILG

by Radyo La Verdad | August 3, 2015 (Monday) | 1538

ROXAS-POE
Nagpaalam na rin si Secretary Mar Roxas sa empleyado ng Department of the Interior and Local Government ngayong araw

Iiwan ni Secretary Roxas ang DILG upang tutukan ang kanyang pagtakbo sa panguluhan sa 2016 national elections

Sa pag-alis niya sa pwesto ilang pangalan ang lumabas na maaarimg pumalit kay Roxas sa DILG kabilang sina LP Secretary General, at Samar Rep. Melsenen Sarmiento

Subalit pinakausapan muna ni Pangulong Benigno Aquino III ang kalihim na tapusin ang ilang trabaho bago umalis sa ahensya.

Samantala, sinabi ni Roxas patuloy ang pag-uusap at pagpupulong ng partido sa kung sino ang kanyang magiging running mate sa 2016 elections .

Ayon pa sa kalihim, nanatiling bukas ang LP sa posibilidad na maging running mate niya si Senator Grace Poe.

Tags: , , ,