Seguridad sa long holiday, inihanda na ng PNP

by monaliza | March 21, 2015 (Saturday) | 673

IMAGE_UNTVnews_MAR122015_ESPINA

Handa na ang Philippine National Police para matiyak ang seguridad ng mga mamamayan sa paparating na long holiday at summer vacation.

Ipinagutos ni PNP officer-in-charge at Deputy Director Gen. Leonardo Espina ang pagbalangkas ng national security plan para sa mga motorista at mananakay na uuwi sa mga lalawigan.

Ayon kay Espina, may malaking magagawa ang publiko para matiyak ang kaligtasan at kaayusan lalo na’t malapit nang sumapit ang long weekend holiday at bakasyon ng mga estudyante.

Hinikayat ng PNP OIC ang taumbayan na gamitin ang social media para bigyan sila ng abiso sakaling malagay sila sa alanganin o kaya’y mayroon silang mapansin na kahina-hinalang gawain sa paligid.

Maaring ipost ang kanilang mga abiso sa official Twitter at Facebook page ng PNP o tumawag sa numerong 0917 847 5757.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0