Sen. Antonio Trillanes IV, hindi natatakot sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa DAP at PDAF

by Radyo La Verdad | April 4, 2017 (Tuesday) | 2558


Hindi natatakot si Sen. Antonio Trillanes IV sa bantang imbestigasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kaugnay ng umano’y pagkakadawit nito sa isyu ng maanomlayang Priority Development Assistance Fund o PDAF at Disbursement Acceleration Progam o DAP.

Ayon sa senador, bukas sa publiko ang pinaglaanan ng kanyang PDAF dahil nakalagay aniya ang detalye ng mga ito sa kanilang website.

Dumaan na rin aniya ito sa pagsusuri ng Commission on Audit.

Dagdag ng senador, tinatakot lang niya ni Pangulong Duterte ang mga katulad niyang bumabatikos sa kanya.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , , ,