Sen. Aquilino Pimentel III at Freddie Aguilar, unang naghain ng kanilang COC sa pagka-senador

by Radyo La Verdad | October 11, 2018 (Thursday) | 1012

Ilan sa mga personalidad ay maagang dumating sa 3rd floor ng Comission on Elections (Comelec) para sa mga maghahain ng kanilang certificate of candidacy (COC) na tatakbo sa pagkasenador.

Unang dumating si dating Senate President Aquilino Koko Pimentel na dumating ng 7:57 ng umaga, sunod ang musician na si Freddie Aguilar.

Ayon kay Senator Koko, nagdesisyon siya na maagang magfile dahil sa susunod na linggo ay kasal na niya sa kaniyang partner na si Kathyrna Yu.

Ang pangatlong dumating ay ang dating mayor ng Pangasinan na si Abner Afuang. Matatandaan na si Afuang ang nagbuhos ng tubig kay Dr. Haiden Kho sa pagdinig noon ng Kamara.

Namumuroblema si Afuang dahil ang kaniyang nafill-up na form ay luma.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,