Sen. Chiz Escudero, nagbitiw na sa dalawang malaking komite sa Senado

by dennis | July 28, 2015 (Tuesday) | 1076

CHIZESCUDERO

Nagbitiw na sa mga pinangungunahang komite si Senator Chiz Escudero epektibo ngayong araw

Ang dalawang makapangyarihang komiteng binitiwan ni Escudero ay ang Finance na siyang tumatayong chairperson at co-chairperson naman ng Joint Congressional Oversight Committee on Public Expenditures.

Ayon sa senador, delikadeza ang nagtulak sa kaniya na magbitiw sa mga nabanggit na tungkulin dahil ayaw ng senador na madawit ang mga komite sa politika.

Ayon kay Escudero, seryoso niyang pinag-iisipan ang pagtakbo bilang bise presidente, kaya ngayon pa lang ay umiiwas siya sa anomang maaring maging pambabatikos laban sa kaniya.

Nangako naman si Escudero kay Drilon, na patuloy pa rin siyang tutulong sa deliberasyon ng budget.

Sa ngayon ay wala pang napipiling papalit sa pwesto ni Escudero.(Meryll Lopez/UNTV Radio)