Nakatakdang basahan ng sakdal sa Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 32 ngayong araw si Senator Leila de Lima.
Kaugnay ito ng kasong diobedience to summons na isinampa laban sa senadora ng Department of Justice.
Ito ay matapos na payuhan ni Sen. De Lima ang dating driver at bodyguard nito na si Ronnie Dayan na huwag dumalo sa imbestigasyon ng Kamara noong nakaraang taon sa umano’y drug trade sa New Bilibid Prison o NBP.
Matatandaang una ng inamin ng senadora na nagbigay ito ng payo kay Dayan sa pamamagitan ng text message na huwag dumalo sa house probe.
Si De Lima ay kasalukuyang naka-detain sa PNP Custodial Center dahil sa kaso sa umano’y pagkakasangkot nito sa Bilibid Drug Trade
Tags: disobedience to summons, korte, sakdal, Sen. De Lima
Pinaiimbestigahan ni Senator Leila De Lima sa Senado ang umano’y take over ng mga tauhan ng militar sa Bureau of Customs (BOC).
Sa inihaing Senate Resolution No. 949 ni De Lima, sinabi nito na nababahala siya sa posibleng epekto ng pagtatalaga ng mga sundalo sa regular function ng kawanihan lalo na pagdating sa revenue collection.
Giit ng mambabatas, dapat sundin ng Pangulo ang nakasaad sa konstitusyon kung saan ipinagbabawal aniya ang pagtatalaga ng mga sundalo sa civilian position sa pamahalaan dahil wala namang state of lawlessness sa BOC.
Tags: BOC, Pangulong Duterte, Sen. De Lima
Hindi nakadalo si Ronnie Dayan sa pagdinig kanina ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 34 sa kasong ‘disobedience to summons’ ni Senadora Leila de Lima.
Sasalang dapat kanina sa witness stand ang dating driver body guard ni De Lima.
Dahil wala ang testigo ng prosekusyon, walang nagawa si Judge Ma. Ludmila de Pio Lim kundi i-reset o ipagpaliban ang paglilitis sa ika-5 ng Disyembre.
Matatandaang una nang tumanggi si Dayan na tumestigo laban kay De Lima.
Ang kasong disobedience to summons ni Senator De Lima ay inihain nina dating House Majority Leader Rudy Fariñas at House Justice Committee Chair Rey Umali dahil sa paghimok umano ng mambabatas kay Dayan na huwag siputin ang pagdinig noon ng Kamara sa umano’y kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP).
Tags: Judge Ma. Ludmila de Pio Lim, Ronnie Dayan, Sen. De Lima
Tinawag na ‘biased’ o hindi patas ng kampo ni Senadora Leila De Lima ang judge na humahawak ng isa sa kaniyang mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.
Sa kanilang motion to inhibit, inakusahan ng nakaditeneng mambabatas si Muntinlupa RTC Branch 206 Judge Lorna Navarro Domingo ng ‘premature’ o maagang pagdedesisyon at hindi pagpabor sa kanilang apela na i-disqualify ang 13 testigo ng prosekusyon na pawang convicted criminals at wala umanong kredibilidad. Ni hindi man lang umano sila noon nabigyan ng pagkakataon na sumagot sa pagtutol ng DOJ sa kanilang kahilingan.
Maging sa inihain nila noong ‘motion to vacate’ ay inakusahan umano sila ng late filing gayong tinanggap pa ito ng mga staff ng korte.
Ayon naman sa prosekusyon, maghahain sila ng oposisyon sa hiling na ito ng kampo ni De Lima. Normal umano na may mga pagkakataong papabor o hindi papabor ang korte sa isang litigante.
Gayunpaman ay wala pa ring nagiging desisyon ang hukom hinggil sa hiling ng kampo ng senadora. Itinakda naman ng korte ang susunod na pagdinig sa ika-6 ng Nobyembre.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y pakikipagsabwatan ng noo’y justice secretary na si De Lima sa mga drug lord sa New Bilibid Prison upang magbenta ng iligal na droga.
Matatandaang nitong Enero ay nag-inhibit din si Judge Juanita Guerrero na unang nagpa-aresto sa senadora.
( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )