Sen. Escudero tiniyak na di kakalabanin si Senador Poe kung tatakbong Vice President sa 2016 elections

by Radyo La Verdad | August 4, 2015 (Tuesday) | 989

ESCUDERO
Tiniyak ni Senador Chiz Escudero na hindi niya kakalabanin si Senador Grace Poe kung magpapasya itong tumakbong Vice President sa 2016 elections.

Ayon kay Escudero anuman ang maging pasya ni Poe ay kanyang igagalang at susuportahan tulad sa mga nauna niyang pahayag.

Sa kasalukuyan ay wala pa ring pasya ang dalawang senador kung tatakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016 elections.

Hanggang sa ngayon umaasa pa rin ang Liberal Party na papayag si Poe na maka-tandem ni DILG Secretary Mar Roxas na tatakbo bilang Pangulo.

Tags: