Sen. Estrada, handang i-adopt ang panukalang minimum wage hike sa kamara

by Radyo La Verdad | February 27, 2024 (Tuesday) | 616

METRO MANILA – Handang segundahan ng isang mambabatas sa Senado ang panukala sa kamara na mas mataas na umento sa sahod.

Kasunod ito ng pagkonsidera sa kamara ng hanggang P350 na minimum wage increase para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ayon kay Senator Jinggoy Estrada, Chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, kanyang ia-adopt ang panukalang batas sa kamara kung mas mataas sa P100 ang panukalang dagdag sahod.

Kamakailan lang, inaprubahan ng Senado ang panukalang batas na layong taasan ng P100 ang daily minimum wage sa bansa.

Tags: