Sen. Grace Poe, inaming naghahanda na ng kaniyang plataporma

by dennis | August 6, 2015 (Thursday) | 1090

SEN POE

Inihahanda na rin ni Sen. Grace Poe ang kaniyang plataporma sakaling mabuo na ang kaniyang desisyon ukol sa pagtakbo sa mas mataas na posisyon.

Sinabi ni Poe na iba’t-ibang sektor ang nagbibigay sa kanya ng mga payo at opinyon upang maintindihan ang nangyayari sa ating bansa.

Ngayong araw ay hindi tinanggap ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang bantang kaso na isasampa kay Poe sa isyu ng kaniyang citizenship ni dating senatorial candidate Rizalito David.

Ayon kay Poe, lalo lamang lumalakas ang kaniyang loob sa mga paninira dahil paniwala ng senadora ay hindi na siya ang sinisira kundi ang kaniyang adbokasiya.

Siniguro ni Poe na nakahanda ang kaniyang kampo na sagutin at harapin ang anomang alegasyon na ibabato sa kaniya, at naniniwala siya na marami pa ang darating.

Si David ay bigong maisampa ang kaso dahil sa kinulang ang kaniyang pera na P50,000 na filing fee at himingi pa ng tulong sa media na mag-ambag ng tig iisang libo.

Hindi naman kumbinsido si Poe na Liberal Party ang nasa likod ng pagsasampa ng kaso sa kaniya upang siya ay ma-pressure na magdesisyon na maging running mate ni Sec.Mar Roxas.(Meryll Lopez/UNTV Radio)