Sen. Grace Poe nandindigang dapat kasuhan ang mga miyembro ng MILF na sangkot sa pagpatay sa SAF 44

by monaliza | March 25, 2015 (Wednesday) | 931

GRACE POE

Muling iginiit ni Senador Grace Poe, Chairperson ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs na tama ang kanilang rekomendasyon na kasuhan ang mga miyembro ng MILF na sangkot sa pagpatay sa 44 SAF members noong January 25 sa Mamasapano, Maguindanao.

Ayon kay Poe, masaker ang nasabing insidente at hindi misencounter.

Sinabi naman sa MILF report, makatwiran na lumaban ang Bangsamoro Islamic Armed Forces o BIAF dahil ang PNP-SAF umano ang nagsimula ng bakbakan.

Sinabi ni Poe na pinaninindigan ng kanyang komite ang kanilang report ngunit bukas naman ito sa pag-amyenda at review sa pagbabalik ng sesyon

Pag-uusapan rin ng Joint Committee kung papaano tatratuhin ang MILF report na taliwas sa kanilang findings. ( Bryan de Paz / UNTV News Senior Correspondent )

Tags: ,