Sen. Honasan, malaki ang maitutulong sa telcom industry bilang DICT secretary- SP Sotto

by Radyo La Verdad | November 7, 2018 (Wednesday) | 60

Kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III ang planong pagtatalaga kay Senator Gringo Honasan sa Department of Information and Communications (DICT).

Sa ika-12 ng Nobyembre posibleng ilabas ang appointment paper ng senador.

Ayon kay Senator Sotto, masasabing malaking kawalan sa kanila si Honasan.

Naniniwala si Sotto na malaki ang maitutulong ni Honasan sa DICT lalo na sa usapin ng national security.

 

Tags: , ,