Sen. Legarda, bagong chairperson ng finance committee kapalit ng nagbitiw na si Sen. Escudero

by dennis | August 4, 2015 (Tuesday) | 915
Mula sa official Facebook account ni Sen. Loren Legarda

Mula sa official Facebook account ni Sen. Loren Legarda

Hinalal bilang chairperson ng Senate committee on finance si Sen. Loren Legarda bilang kapalit ni Sen. Francis Escudero na nagbitiw sa naturang pwesto dalawang linggo na ang nakakaraan.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, itinalaga si Legarda sa nabanggit na posisyon dahil isa rin ito sa mga vice chairperson ng komite.

Matatandaang nagbitiw si Escudero bilang chairperspn ng finance committee para maiwasan na maparatangan na ginagamit nito ang posisyon para isulong ang mga plano nito sa pulitika.

Samantala, Si Legarda ay isa sa mga apat na vice chairperson ng komite kasama ang iba pang senador na sina Ralph Recto, Teofisto Guingona III at Sergio Osmeña III.

Sa apat na senador, Si Legarda lamang ang hindi tatakbo ngayong election dahil nahalal na ito para sa kanyang ikalawang termino noong 2013.