Sen. Leila de Lima, nasa Iriga City na para dalawin ang ina

by Radyo La Verdad | August 15, 2019 (Thursday) | 726

Dumating na sa Iriga City si Senator Leila de Lima para bisitahin ang kanyang otsenta’y sais anyos na inang may sakit.

Dakong alas-sais bente nang lumapag ang kanyang eroplano sa Legazpi City airport.

Mula airport, sinamahan ito ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics Team ng Legazpi Police and Albay Provincial Police patungo sa kanilang bahay sa Iriga.

Si de Lima ay napagkalooban ng 48-hour forlough ng Muntinlupa Regional Trial Court branch 205 at 256.

Tags: ,