Sen. Pacquiao, tumulak na pa-Las Vegas para sa laban kay Jessie Vargas sa Linggo

by Radyo La Verdad | November 2, 2016 (Wednesday) | 866

BRYAN_PACQUIAO
Tapos na sa kanyang final workout sa wildcard gym si Filipino Boxing Icon Senator Manny Pacquiao.

Kagabi ay tumulak na patungong Las Vegas ang Team Pacquiao para sa laban kay Welterweight Champion Jessie Vargas ngayong Linggo.

Samantala, umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na mapapabagsak ng pambansang kamao si Vargas.

Ayon sa pangulo, hindi na dapat lumampas sa 7th o 8th round ang laban dahil makakaapekto na ang pagod sa galaw ng mga boksingero.

Dagdag pa ng punong ehekutibo, hindi pa man nag kampeon noon si Pacman ay alam na niyang talagang malakas ito.

Magkaibigan na ang dalawa bago pa man sumikat ang 8th division world champion.

Tags: , ,