Sen. Trillanes, hindi itinuloy ang planong paglabas ng Senado kahapon

by Radyo La Verdad | September 14, 2018 (Friday) | 5473

Maaga kahapon nang inanunsyo ni Senator Antonio Trillanes IV na tatangkain niyang lumabas ng Senado. Ito ay upang masubukan aniya kung aarestuhin siya ng mga militar at pulis na patuloy na nakaabang sa labas ng Senado.

Makalipas ang ilang oras, umatras ang senador. Kwento niya, umalis ang kaniyang sasakyan na hindi siya sakay upang magpa-gas, dito aniya niya nakumpirma na pwede siyang maaaresto kahit walang warrant of arrest.

Ipinakita ng kaniyang tanggapan ang mga kuha na pictures ng mga sumusunod sa kaniyang sasakyan na mga nakamotor at mga tao na tila nagmamanman.

Nakatanggap rin aniya siya ng warning mula sa AFP arresting units na handa siyang arestuhin anomang oras.

Kaya nagdesisyon siya na manatili na lamang sa Senado at paghandaan ang legal battle niya sa Makati Regional Trial Court.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

PNP at AFP tiniyak ang katapatan sa konstitusyon

by Radyo La Verdad | January 31, 2024 (Wednesday) | 98316

METRO MANILA – Nananatiling tapat sa konstitusyon ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kaya naman hindi na anila kailangang isailalim pa sa loyalty check ang kanilang mga tauhan kasunod ng panawagan ni Dating Pang. Rodrigo Duterte sa pulis at militar na kumilos laban sa People’s Initiative at ipagtanggol ang konstitusyon.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, hindi nakikisawsaw sa pulitika ang mga pulis.

At sa halip ay nakatutok aniya sila sa trabaho para sa peace and order ng bansa.

Tags: ,

PNP at AFP, gumagawa ng estratehiya para hindi na bumalik ang pamamayagpag ng NPA sa bansa

by Radyo La Verdad | January 17, 2024 (Wednesday) | 105681

METRO MANILA – Patuloy ang ginagawang pagtutulungan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa panibagong estratehiya upang hindi na makabalik ang pamamayagpag ng CPP-NPA sa bansa.

Ito ang reaksyon ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., kasunod ng pahayag ng pangulo na wala nang NPA sa Pilipinas.

Ayon kay Gen. Acorda ang AFP ang nakatututok sa external threat habang ang PNP naman sa internal threat.

Isa aniya sa pinalalakas ng pambansang pulisya ay ang programang “Pulis sa Barangay”.

Sa ganitong paraan aniya, malalaman ng pulisya kung mayroon bagong mukha o may ibang tao sa mga barangay.

Madali din aniyang malalaman ng mga pulis kung mayroong problema ang isang barangay kaugnay sa kanilang seguridad.

Tags: , ,

PBBM, tiniyak ang patuloy na pagtatanggol sa karapatan ng PH sa West PH Sea

by Radyo La Verdad | December 22, 2023 (Friday) | 85829

METRO MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na patuloy na igigiit ng Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea.

Ito ang isa sa mga mahalagang mensahe ng pangulo sa ika-88 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nagpahayag rin ng pagkabahala si Pangulong Marcos sa insidente ng harassment ng Chinese Coast Guard sa resupply mission sa Ayungin Shoal kung saan nakasama si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.

Tiniyak ng pangulo na patuloy na susuportahan ang AFP sa mga programa nito at sa modernisasyon.

Binigyang diin din nya ang mahalagang papel ng AFP sa mga hamong kinakaharap ng bansa tulad na lamang ng isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Inanunsyo naman ng pangulo ang kaniyang pagapruba sa increase para sa tinatanggap na monthly gratuity pay ng medal of valor awardees.

Tags: , , ,

More News