Senado, magsasagawa ng executive session RE: isyu kay Mayor Guo sa June 5

by Radyo La Verdad | May 31, 2024 (Friday) | 1472

METRO MANILA – Magsasagawa ang Senado ng isang executive session sa June 5 para talakayin ang isyu patungkol kay Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros, nais nitong malaman kung totoo ang alegasyon na isang chinese national ang tunay na ina ng alkalde.

Batay aniya sa kanyang source, napag-alaman na ‘Winnie’ umano ang tawag sa sinasabing ina ni Mayor Guo.

Kasama rin sa tatalakayin sa executive session ang pagkakadawit ng alkalde sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Tags: , ,