Send-off ceremony, isinagawa ng Phil Navy para sa BRP Andres Bonifacio FF17 na dadalo sa LIMA 2017

by Radyo La Verdad | March 14, 2017 (Tuesday) | 2680


Isang send-off ceremony ang isinagawa kaninang alas nueve ng umaga sa pier 13 South Harbor, Manila para sa BRP Andres Bonifacio FF17 na makakasama sa Langkawi International Maritime and Aerospace Exhibition o LIMA 2017 sa Langkawi, Malaysia.

Two hundred eight din na miyembro ng Philippine Navy ang ipinadala ng Pilipinas sa LIMA 2017 na magsisimula sa March 21- 26, 2017.

Ayon kay Navy Vice Commander Rear Admiral Rafael G. Mariano, taong 2011 nang huling makasama ang Philippine Navy sa LIMA exhibition kaya’t isang karangalan na muling mapabilang sa naturang maritime and aerospace exhibition.

Tags: , , ,