Senior HS enrollee, umabot sa mahigit 1-milyon

by Radyo La Verdad | June 20, 2016 (Monday) | 1892

SENIOR-HS
Umabot sa mahigit isang milyong estudyante ang nag-enroll sa senior high school sa taong ito.

Nasa pitong daang libo sa mga ito ay naka rehistro sa public school.

Habang nasa mahigit tatlong daang libo naman ang pumasok sa mga pribadong eskwelahan.

Kumpiyansa si DepEd outgoing Secretary Armin Luistro na madadagdagan pa ang bilang na ito, lalo’t nasa 1,600 na mga eskwelahan pa ang hindi pa rin nakapagsusumite ng listahan ng kanilang mga enrolee.

Ang senior high school ay bahagi ng k to 12 program na binubuo ng grade 11 at grade 12.

(UNTV RADIO)

Tags: ,