Shelter ng mga migrant sa Calais, France, nasunog

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 1811
Calais, France(REUTERS)
Calais, France(REUTERS)

Natupok ng apoy ang dalawang bahay sa isang migrant camp sa Calais, France.

Sa ngayon ay hindi pa tukoy ng mga otoridad kung papaano nagsimula ang sunog.

Ngunit bago sumiklab ang sunog ay nagkasagupa ang French riot police at migrants sa lugar.

Noong nakaraang linggo ay naglabas ng order ang korte ng France na nagpapa-alis sa mga migrant na nakatira sa katimugang bahagi ng kampo.

Sa nakalipas na mga taon, libo- libong migrant ang nagtungo sa lugar upang makapasok at makapag-trabaho sa Great Britain.

Tags: , , ,