Silver Medalist Hidilyn Diaz, natanggap na ang cash incentives mula sa Senado

by Radyo La Verdad | September 5, 2016 (Monday) | 790

me1
Natanggap na ni Olympic Silver Medalist Hidilyn Diaz ang kanyang cash incentives mula sa Senado.

Sa isang maikling seremonya kanina, iniabot ni Senate President Aquilino Pimentel III ang cash incentives na nagkakahalaga ng 500,000 thousand pesos.

Kamakailan lang ay kinilala rin sa plenary session ng Senado si Diaz dahil sa kanyang tagumpay sa weightlifting division.

Maliban sa natanggap niya ngayong araw, may makukuha ring cash incentives si Diaz mula kay sen. Manny pacquiao.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: ,