SIM registration extension, pinagusapan ng DICT at ibang stakeholders

by Radyo La Verdad | April 25, 2023 (Tuesday) | 5029

METRO MANILA – Bukas na, April 26 ang itinakdang deadline ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa pagpaparehistro ng SIM bago ito ma-deactivate.

Gayunpaman nasa kalahati na ang registered SIMs ayon sa ahensiya.

Kahapon (April 24) nagpulong ang DICT kasama ng iba pang attached agencies at 3 Public Telecommunication Entities (PTEs).

Ayon sa DICT, kabilang sa kanilang mga napag-usapan ay kung papaano sosolusyunan ang mga hamon sa pagpaparehistro ng SIM.

Napag-usapan rin ang posibilidad ng pagpapalawig sa SIM registration period.

Ayon sa DICT, hintayin na lang ang kanilang opisyal na announcement tungkol dito.

As of April 23, nasa 82-M pa lang ang registered sim. 49.31% pa lang ito ng 168-M subscribers sa buong bansa.

Muli namang hinimok ng DICT ang publiko na magpa-register na ng SIM para maiwasan ang deactivation.

Tags: ,

Pagpapaigting sa PH internet connectivity, prayoridad pa rin ni PBBM

by Radyo La Verdad | April 22, 2024 (Monday) | 15639

METRO MANILA – Prayoridad pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang pagkakaroon ng digital Philippines at mas mabilis na internet connection sa bansa.

Ginawa nito ang pahayag nang opisyal na ilunsad ang unang bahagi ng national fiber backbone project ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Layon ng inisyatibo na makapagtatag ang pamahalaan ng sariling connectivity infrastructure para sa national at Local Government Units (LGU) upang maisulong na rin ang Micro, Small, Medium Enterprises (MSMEs) gayundin ang nano enterprises sa digital space.

Tags: ,

Messaging applications, ginagamit ngayon ng mga scammer

by Radyo La Verdad | October 24, 2023 (Tuesday) | 19319

METRO MANILA – Lumilipat na ngayon ng diskarte ng mga scammer.

Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), malaki na ngayon ang nabawas sa mga nagpapadala ng text scam na ginagamit ang mga SIM card.

Ito ay mula nang ipatupad ang Sim Registration Law.

Gayunman, mga messaging application naman ang inuumpisahan nilang gamitin para makapanloko.

Paalala ng DICT, huwag nang i-click ang mga kahinahinalang link na natatanggap dahil malamang ay scam ito.

Tags: ,

DICT, nanawagan sa publiko na maging mapanuri sa gitna ng hacking spree at online scams

by Radyo La Verdad | October 20, 2023 (Friday) | 17893

METRO MANILA – Nanawagan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa publiko, private sectors at stakeholders na maging mapanuri at proactive sa gitna ng mga hamon sa cyber security.

Ayon sa pahayag ni DICT Digital Certificate Division Officer-In-Charge Thelma Villamorel, sa paglago ng teknolohiya ay kinakailangang manatili tayong maingat at maagap sa pagharap sa mga security challenges na kaakibat ng digital transformation.

Ayon naman kay Digital Pilipinas Convenor Amor Maclang, kinakailangan ng “whole-of-nation” approach at pagbabahagi ng best practices sa cyber security.

Sinabi din ni Maclang na kailangang magkaroon ng mas mataas na budget ang DICT upang mapalakas ang cyber security.

Tags: ,

More News