Singil sa kuryente ng Meralco bababa ngayong buwan

by Erika Endraca | February 7, 2020 (Friday) | 2317

METRO, MANILA – Bababa ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan. Sa abiso ng Meralco, P0.59 per kilowatt hour ang mababawas sa singil sa kuryente ngayong Pebrero.

Ibig sabihin sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour sa isang buwan P118 ang matatapyas sa kanilang electric bill.

P177 naman kung 300 kilowatt hour, P236 sa 400 kilowatt hour at P295 naman kung umaabot ng 500 kilowatt hour ang konsumo.

Ang pagbaba ng presyo ng kuryente ay bunsod ng mababang demand dahil sa malamig na panahon, mababang halaga ng kinontratang kuryente at bentahan sa spot market. Ito na ang ikalawang sunod na bawas singil ng Meralco ngayon taon.

(Joan Nano | UNTV News)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: