Singil sa kuryente ng MERALCO, bababa ngayong Setyembre

by Radyo La Verdad | September 6, 2016 (Tuesday) | 1900

MERALCO
Bababa ang singil sa kuryente ng MERALCO ngayong buwan ng Setyembre.

Forty five centavos kada kilowatt hour ang mababawas sa bayarin ng mga consumer ngayong buwan o katumbas ng nine pesos para sa mga kumukonsumo ng 200-kilowatt hour kada buwan.

13-pesos and 50-centavos naman ang mababawas sa bill ng mga kumukonsumo ng 300 kilowatt hour, 18-pesos sa 400 kilowatt hour at 22-pesos and-50-centavos sa mga gumagamit ng 500 kilowatt hour.

Paliwanag ng MERALCO, bagaman tumaas ng otso-sentimos ang generation charges ay bumaba naman ang halaga ng transmission kaya magkakaroon ng bawas singil ngayong buwan.

Tags: ,