SolGen Calida, sinagot na ang komento ni Sereno na humihiling na baliktarin ang quo warranto ruling ng SC anchor

by Radyo La Verdad | June 14, 2018 (Thursday) | 2259

Sinagot na ni Solicitor General Jose Calida ang komento ni dating Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na humihiling na baligtarin ang desisyon ng katastaasang hukuman kaugnay sa pagpapatalsik sa kaniya sa pwesto sa pamamagitan ng quo warranto petition.

Sa pitumpu’t walong pahinang komento na inihain ni Calida sa Korte Suprema, sinabi nito na si Sereno mismo ang dapat sisihin sa kaniyang pagkakatanggal sa SC.

Dagdag pa ng SolGen, dumaan sa due process si Sereno dahil pinagkomento pa ito ng korte sa quo warranto plea kahit hindi naman ito kinakailangan sa ilalim ng rules of court.

Kinakailangan ni Sereno na makakuha ng walong boto ng mga mahistrado upang mabaligtad ang desisyon at maibalik siya sa pagiging punong mahistrado.

Una nang sinabi ni acting Chief Justice Antonio Carpio na isasapinal ng SC ang resolusyon sa quo warranto ngayong buwan.

 

Tags: , ,