Song entry ng isang guro, wagi sa 2nd weekly elimination ng ASOP Year 7

by Radyo La Verdad | December 18, 2017 (Monday) | 2853

Isang masiglang awit-papuri sa Panginoon na likha ng isang science teacher mula sa Bulacan, ang itinanghal na third weekly winner ng Disyembre sa A Song of Praise o ASOP Year 7 kagabi.

Taong 2003 pa nang isulat ni Rolando Tan ang awit, at nang mapanood niya ang ASOP ay nakita niya ito bilang pagkakataong upang ang kanyang komposisyon na ‘Di Magsasawa sa ‘Yo’ ay maging inspirasyon sa iba.

Samantala, maging ang interpreter nito na si Lucky Robles ay na-touch ng awit. Bagama’t ito ang unang beses na sumali si Rolando sa ASOP, umani na agad ng papuri ang kaniyang komposisyon.

Tinalo ng awit ang entries na aking ama ni Alvio Garzon at isang haing buhay ni Elvin De Jose.

 

( Leslie Longboen UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,