South Tollways Group, handa na sa pagdagsa ng mga motorista sa long holiday

by monaliza | March 26, 2015 (Thursday) | 487
slex

South Luzon Expressway

Handa na ang tatlong pangunahing expressway patungong southern Luzon sa inaasahang pagdagsa ng mga motorista ngayong long holiday.

Ayon sa tagapagsalita ng South Tollways Group na si Tony Reyes, magpapatupad sila ng zipper lane o counterflow lane tuwing rush hour para mapabilis ang biyahe.

Inaasahan ng South Tollways Group na binubuo ng Skyway, SLEx at STAR Tollway na 20% hanggang 30% ang itataas sa bulto ng mga sasakyan mula Marso 29 hanggang Abril 4

Para mapabilis ang transaksyon sa mga toll plaza, hinihikayat ang mga motorista na maghanda ng eksaktong bayad at maaari na ring magbayad ng toll sa mga gasolinahan sa kahabaan ng SLEx.

Nagdagdag na rin ng mga ambulant teller ang South Tollways Group kasabay ng pagtatalaga ng mga security at medical team.

Sinuspinde na rin ang mga road repair project upang hindi makaabala sa mga motorista.

Tags: , , ,