Special task group, binuo upang imbestigahan ang pagkamatay ni PO2 Ryan Casiban

by Radyo La Verdad | August 19, 2016 (Friday) | 969

CEBU
Bubuo na ng special investigation task group ang Police Regional Office 7 para sa patuloy na imbestigasyon sa pagkamatay ni PO2 Ryan Casiban ng Cordova Police Station.

Ayon kay PRO-7 Deputy Regional Director for Operations Senior Superintendent Rey Lyndon Lawas tutukan nila ang kaso sa pamamagitan ng “Task Force Casiban”.

Patuloy rin ang ang kanilang pangangalap ng impormasyon sa insidente batay narin sa direktiba ni PNP Chief Director Ronald Bato dela Rosa.

Si Casiban ay natagpuan patay sa Brgy. Agus Lapu Lapu City noong Biyernes ilang araw bago ito napaulat na nawawala.

Bago ito nawala, isinulat nito ang mga pangalan nina Retired Deputy Director Marcelo Garbo at Daanbantayan Mayor Vicente Loot sa police blotter at sinabing sangkot umano ang mga ito sa mga sindikato ng droga sa bansa.

(Gladys Toabi/UNTV Radio)

Tags: ,