SRP para sa mga holiday product, ilalabas ng DTI ngayong Linggo

by Radyo La Verdad | November 14, 2023 (Tuesday) | 5401

METRO MANILA – Inaasahan na maglalabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng listahan ng Suggested Retail Price (SRP) para sa mga produkto ngayong holiday season.

Sa isang panayam, sinabi ng DTI na maaaring ilabas ang nasabing listahan sa ikalawang Linggo ng Nobyembre.

Ayon pa sa ahensya, aabot sa 80% ng mga tagagawa ang nakapagsumite na ng request sa DTI para mapasama sa ilalabas na SRP.

Subalit, wala pang opisyal na anunsyo ang DTI kung may inaasahan silang pagtaas sa presyo ng mga produktong pang-holiday season.

Tags: , ,