Star witness na si “Barbie”, positibong kinilala si US LCPL Joseph Scott Pemberton

by monaliza | March 24, 2015 (Tuesday) | 1036

IMAGE_Jan282015_UNTV-News_OLONGAPO_PNP_JOSEPH-SCOTT-PEMBERTON

Positibong kinilala ng Star witness na si “Barbie” si US Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na siyang huling nakasama ng transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer nang gabing nasawi ito noong October 2014.

Ayon kay Atty. Virgie Suarez, ang legal counsel ng pamilya Laude, consistent ang statement ni “barbie” sa cross examination na mahalaga sa ginagawang paglilitis sa murder case.

Maging ang statement ng isa pa nilang witness na bellboy ng Celzone lodge ay mahalaga rin dahil ito ang nakakitang si Pemberton lang ang pumasok at lumabas sa kuwarto kung saan pinatay si Laude.

Ayon kay Atty. Suarez, 37 witnesses ang plano nilang isalang habang 10 naman ang mula sa depensa.

Muling itutuloy ang trial sa murder case laban kay Pemberton sa April 13 at 14. ( Joshua Antonio/ UNTV News Senior Correspondent )

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: ,