State of emergency, idineklara sa Flordia, USA dahil sa pananalasa ng Tropical Storm Colin

by Radyo La Verdad | June 7, 2016 (Tuesday) | 860
Flordia, USA(REUTERS)

Flordia, USA(REUTERS)

Nagdeklara ng state of emergency si Florida Governor Rick Scott sa 34 na estado at 67 counties dahil sa inaasahang pananalasa ngayong hapon oras sa Estados Unidos o ngayong umaga oras naman sa Pilipinas ng Tropical Storm Colin.

Kinansela na ang ilang high school graduation dahil sa Bagyong Colin.

Naglagay na rin ng mga sandbag ang ilang residente na magsisilbing panggalang sa baha na maaring idulot ng storm surge at high tide naman sa mga mababang lugar.

Ilang lugar na rin tulad ng Franklin County ang boluntaryong nag-evacute ang mga residente dahil sa banta ng storm surge.

Nangannganib rin na masira ng bagyo ang mga tanim na citrus sa Florida.

Ang Florida ang pinakamalaking citrus producer sa buong United States.

Tags: , , ,